Skip to main content

Filipino words you don't know exist♥

source: Google.com



Magandang araw!  Pipilitin kong sumulat ng talaan sa web (blog) sa wikang Filipino.  Sa aking tingin ito ay napapanahon dahil ang buwan ng Agosto ay kilala natin na Buwan ng Wika (National Language Month).  Ako ay lumaki sa aking mga Lolo at Lola kaya nais kong ibahagi and mga salitang aking natutunan na hindi na natin naririnig, nababasa o nagagamit.  

  1. Distunilyador - "Screwdriver"  
  2. Kapitapitagan - "Venerable" ito ay ginagamit kung ikaw ay magpapakilala ng isang taong meron kang mataas na respeto.  Maaari mo rin gamitin ang salitang "Kagalang galangan".
  3. Sapantaha - "Hunch or Assumption"
  4. Ikubli - "Hide"
  5. Nawa -"To express wishful thoughts"
  6. Urungan - "Wash the dishes"
  7. Supling - "Offspring"
  8. Tsubibo - "Ferris Wheel"
  9. Sansinukob - "Universe"
  10. Palasingsingan - "Ring Finger"
  11. Payneta - "Small Hair Comb or Small Comb Clip"
  12. Antipara - "Eyeglasses"
  13. Alpas - "To break free"
  14. Likha - "To create something"
  15. Indak - "To dance with the music"
  16. Labaha - "Razor"
  17. Karsonsilyo - "Boxer shorts or underpants"
  18. Katipan - "Romantic partner"
  19. Nobyo - "Boyfriend"
  20. Nobya - "Girlfriend"

Ang mga bagong mga salita na aking natutunan.  Kaya sabay sabay tayong matuto.

  1. Hatinig - "Telephone"
  2. Pang-ulong hatinig - "Earphones"
  3. Pook-sapot - "Website"
  4. Sulatroniko - "Email"
  5. Panginain - "Browser"
  6. Miktinig - "Microphone"
  7. Duyog - "Eclipse"
  8. Anluwage - "Carpenter"
  9. Pantablay - "Charger"
  10. Sambat - "Fork"

Sana ay mayroon kayong natutunan sa aking "blog entry" ngayon.  Hanggang sa muli!♥




Comments